
Mainit na sinubaybayan ng Kapuso viewers ang paghaharap nina Joni (Kylie Padilla) at White Lotus (Ina Raymundo) sa Bolera noong Biyernes, July 8.
Sa episode na ito nakapagtala ng pinakamataas na ratings ang Bolera, kung saan umabot ito sa 15.3 percent base sa NUTAM People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
Bukod sa record-breaking na ratings, trending din sa social media ang post-episode forum clip ng laban nina Joni at White Lotus, na mayroon na ngayong mahigit 1.4 million views sa Facebook at 1 million views naman sa TikTok.
Sino kaya ang tatanghaling kampeon sa kapana-panabik na laban nina Joni at White Lotus ngayong Lunes sa Bolera?
Balikan ang naging laban ng ating Bolera kay White Lotus dito:
Samantala, kilalanin ang iba pang cast ng Bolera sa gallery na ito: