
Sa September 21 (Lunes) episode ng award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime, napagalaman ni Hagorn (John Arcilla) na sinugod ng mga Diwata ang Hathoria upang lagasan ang kaniyang pwersa habang siya ay naglalakbay.
Dahil dito, magsusumamo siya kay Bathalumang Ether upang bigyan siya ng karagdagang lakas upang masugpo ang mga Sang'gre.
Imbes na sundin ang kahilingan ni Hagorn, ipapadala niya ito sa Balaak para harapin ang Bathalang si Arde upang doon humiling ng kapangyarihang makakapagpanalo sa kaniya sa paparating na digmaan.
Binigyan ni Arde si Hagorn ng isang pagsubok upang kaniyang tiyakin kung karapatdapat ba niyang tulungan ang Hari ng mga Hathor.
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.