
Marami ang tumutok sa pasabog na paghataw ni Grace (Marian Rivera) sa dance floor, na napanood sa recent episode ng My Guardian Alien.
Sa 26th episode ng naturang family series na inilabas nitong May 6, matatandaan na nagkaroon ng girls night out sina Grace, Venus (Max Collins) at Marites (Kiray Celis) sa isang bar.
Hindi namalayan ni Grace na naikwento niya kay Venus ang tungkol sa kanyang pagiging alien dahil sa dami ng nainom niyang alak. Nang dahil sa sobrang pagkalasing, pumunta si Grace sa dance floor at ipinakita ang kanyang dance moves.
Marami ang natuwa sa paghataw ni Grace at sinabayan pa siya sa pagsayaw.
Sa official Facebook page ng GMA Drama, kasalukuyang mayroong mahigit three million views ang eksena ng paghataw ni Grace sa dance floor.
Umani rin ng papuri mula sa netizens ang Kapuso Primetime Queen dahil sa kanyang smooth dance moves.
Subaybayan ang My Guardian Alien tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.
Mapapanood din ang programa sa GTV sa oras na 10:30 p.m.