What's on TV

Paghingi ng tawad ni Darren kay Crisan sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos
Published August 4, 2020 1:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spurs assert themselves, take down Thunder again in Christmas spotlight
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Kyline Alcantara and Jake Vargas in Kambal Karibal


Tinuruan si Darren ng leksyon ng kanyang inang si Valerie at pinagsabihang humingi ng paumanhin kay Crisan.

Sa episode 97 ng Kambal, Karibal, nagkaroon muli ng hindi magandang karanasan si Crisan (Bianca Umali), na nasa katawan ni Cheska (Kyline Alcantara), mula sa kanyang boss na si Darren (Jake Vargas).

Hindi kasi niya sinasadyang maitapon ang beads ng binata kaya nagalit ito sa kanya. Dahil sa hiya, nagdesisyon si Crisan na umalis sa kanyang trabaho bilang kasambahay, gayunpaman, pinigilan siya ni Aling Celia (Lollie Mara).

Tinuruan naman si Darren ng leksyon ang kanyang inang si Valerie (Marica De Mesa) dahil sa pagiging mainitin ang ulo at pinagsabihang humingi ng paumanhin kay Crisan.

Jake Vargas at Maricar De Mesa sa Kambal Karibal

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.