
Sa episode 175 ng Kambal, Karibal, ipinakita ni Crisel (Pauline Mendoza), na nasa katawan ni Cheska (Kyline Alcantara), ang kapangyarihang natutunan niya kay Black Lady (Roence Santos) nang muli silang magharap ng kanyang kakambal na si Crisan (Bianca Umali).
Matapos malaman ni Geraldine (Carmina Villarroel) na si Crisel ang nasa katawan ni Cheska, agad humingi ng kapatawaran ang ginang dahil hinayaan niyang mapunta si Crisel kay Maricar (Sunshine Dizon).
Hindi naman tinanggap ni Crisel ang paghingi ng tawad ng kanyang ina at itinaboy pa sila ni Crisan.
Panoorin ang mga eksenang iyan sa video sa itaas. Kapag hindi ito naglo-load nang maayos, maaaring mapanood ang episode highlights DITO.
Ang muling pagpapalabas ng Kambal, Karibal ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.
Patuloy na subaybayan ang hit 2017-18 series Lunes hanggang Huwebes, pagkatapos ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa GMA Telebabad.
Samantala, maaaring mapanood ang aired full episodes ng Kambal, Karibal at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.
Ang Kambal, Karibal ay pinagbibidahan nina Bianca Umali, Pauline Mendoza, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.
Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Christopher De Leon, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gardo Versoza, at Ms. Gloria Romero.
Kabilang din sa supporting cast ng programa sina Jeric Gonzales, Chesca Salcedo, Rafa Siguion-Reyna, Eliza Pineda, Sheree, Miggs Cuaderno, at Raquel Monteza.