
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Telebabad.
Sa September 28 (Lunes) episode nito, pinuntahan ni Pirena (Glaiza De Castro) ang mga kapatid niyang Sang'gre upang humingi ng tawad sa lahat ng mga kasalanan niya sa kanila.
Nagbago ang puso ni Pirena at nagbalik-loob sa mga diwata nang mabasa niya ang nilalaman ng liham ni Reyna Minea para sa kaniya.
Upang mapatunayan niyang tunay ang kanyang paghingi ng tawad, luluhod siya sa kanyang mga kapatid at isasauli pa ang Brilyante Ng Tubig sa karapat-dapat na may-ari nito na si Alena (Gabbi Garcia).
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Telebabad, pagkatapos ng 24 Oras.