What's on TV

Paghingi ng tulong ni Crisel kay Nori sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos
Published September 21, 2020 11:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos touts upgrades, improvements to PH airports
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Pauline Mendoza and Chesca Salcedo in Kambal Karibal


Papayag kaya si Nori na sumapi si Crisel sa kanyang katawan?

Sa episode 132 ng Kambal, Karibal, pilit na magpaparamdam si Crisel (Pauline Mendoza) kay Nori upang matulungan nito si Crisan (Bianca Umali) laban kina Cheska (Kyline Alcantara) at Black Lady (Roence Santos).

Kaya naman humingi ng tulong si Nori sa isang paranomal expert (Kevin Santos) para malaman kung si Crisel nga ba ang kaluluwa na gumagambala sa kanya.

Kapag napatunayan, papayag kaya si Nori na sumapi si Crisel sa kanyang katawan?


Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang aired full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.

Ang Kambal, Karibal ay pinagbibidahan nina Bianca Umali, Pauline Mendoza, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.

Gabi-gabi namang kinagigiliwan ang pagganap ng mga batikang aktor na sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Christopher De Leon, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gardo Versoza, at Ms. Gloria Romero.

Tampok din sa Kambal, Karibal sina Jeric Gonzales, Chesca Salcedo, Rafa Siguion-Reyna, Eliza Pineda, Sheree, Miggs Cuaderno, at Raquel Monteza