
Glowing ang celebrity mom na bisita ng Your Honor dahil ito ay walang iba kung hindi ang controversial actress na si AJ Raval.
Pina-subpoena nina Chariz Solomon at Buboy Villar ang partner ni Aljur Abrenica para maka-chikahan.
Unang napansin ni Madam Cha na sobrang youthful tingnan ni AJ. Kaya ang sunud-sunod na tanong niya, "Ano talagang ginagawa mo for yourself? May time ka pa ba for yourself? Bakit ka ganiyan kaganda?"
Sagot ng celebrity mom, “Actually, hindi ko nakikita maganda 'yung sarili ko.”
Agad naman sinabi ni Chariz, “Pero, maganda ka in and out.”
Ang 25-year-old actress ay may limang anak—tatlo dito ay kay Aljur, sina Alkina, Junior, at Abraham. Meron din siya anak na babae na si Ariana at ang isang anak niyang lalaki na si Aaron, na pumanaw na.
Muling tinanong ni Chariz, “Pero ano ginagawa mo, anong routine mo like how do you take care of yourself?”
Sagot muli ni AJ, “Nagpapaaraw ako first thing in the morning, nagwa-water ako. 'Tapos, 'yung sa sarili ko ayokong maalis sa akin 'yung awkwardness sa galaw, sa pananalita.
“Parang 'yung papunta pa lang sa pagdadalaga, pagbibinata 'yung ganun. Kung paano magsalita, kung paano gumalaw.”
Panoorin ang panayam ni AJ Raval sa Your Honor video na ito:
RELATED CONTENT: AJ Raval, Aljur Abrenica's tender moments with their kids