
Pinag-usapan online ang sweet moments nina Vice Ganda at Ion Perez sa noontime program na It's Showtime nitong Huwebes, June 20.
Sa patok nitong segment na "EXpecially For You," maraming natuwa sa istorya ng Unkabogable Star bilang housewife sa kanilang tahanan.
Habang nagbibiruan ang mga host, nagkaalaman na mahilig pala si Vice na mamalantsa dahil kinaugalian niya raw ito simula pa noong bata pa siya.
Happiness ko kasi ang mamalantsa, you know as a housewife. Oo at tsaka namamalantsa ako tulne-tuneladang damit," sabi ni Vice.
Marami rin ang natawa sa mga biro ng comedian tungkol sa kanilang mag-asawa. Sa araw mismo ng segment, malas daw silang pareho dahil nasira o namantsa ang kanilang mga damit.
Ibinunyag ng Unkabogable Star na natapunan pala ang damit ni Ion ng toyo sa backstage, kaya napilitan ang kaniyang asawa na magpalit kaagad.
Samantala naman kay Vice, dumikit ang plastik na nakalagay sa ironing board at muntik masunog ang kaniyang palda habang pinaplantsa niya ito. Nadagdagan pa ang kamalasan ni Vice nang natamaan ang kaniyang ngipin sa mic habang nakikipagkulitan kay Jhong Hilario sa programa.
Maraming fans ang natuwa at kinagiliwan sina Vice at Ion. Meron pa nga nag post sa X (dating twitter), na pati raw kamalasan ay magkasama pa nilang dinadanas.
pati ung minamalas by couple din. sige#ViceGanda | #ViceIon | #IonPerez#ShowtimeGowLang pic.twitter.com/8tMnGX39Ia
-- cielo (@VICEG4NDUGH) June 20, 2024
Maliban dito, napansin at kinilig ang madlang Kapuso nang nakita nila sina Vice at Ion na masayang nakaakbay sa gilid ng stage. Kita rin ng viewers si Ion na napatingin sa nasirang palda ni Vice, naniniwalang medyo nag-aalala ito sa kaniyang asawa.
The clingiest mag-asawa!!🥹🫶#ShowtimeGowLang#ViceGanda | #ViceIon | #IonPerez pic.twitter.com/pHgfGwZxgH
-- Franz🌷 (@_vicexion25) June 20, 2024
Pagkatapos ng programa, nag trend ang mga hashtag #ViceGanda at #ShowtimeGowLang sa X. Maliban sa sweet moments ng mag-asawa, pinag-usapan din ng online netizens ang iba pang mga kulitan nila Vice Ganda at mga host.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado sa oras na 12 noon sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.