
"Maraming salamat po sa mga tweets ninyo tungkol sa #MagkaibangMundo lalo pa po namin paghuhusayan ang trabaho namin para patuloy na aliwin kayo!" - Isabelle de Leon
Unang beses na gumanap bilang kontrabida ni Isabelle de Leon sa Magkaibang Mundo, at tila effective ito dahil umani siya ng papuri mula sa netizens.
READ: Isabelle de Leon is a first time kontrabida in 'Magkaibang Mundo'
Sa kanyang Instagram account, nag-post ang dating child star ng video ng eskena na pinapahirapan niya si Louise delos Reyes, na siya namang bida sa naturang Afternoon Prime series.
Pagkatapos umere ng nasabing episode kanina, June 3, maraming viewers ang pumuri sa kanyang performance.
"Maraming salamat po sa mga tweets ninyo tungkol sa #MagkaibangMundo lalo pa po namin paghuhusayan ang trabaho namin para patuloy na aliwin kayo!" saad niya sa caption.
MORE ON ISABELLE DE LEON:
What Isabelle de Leon learned from being a child actress
EXCLUSIVE: Isabelle de Leon, malaki raw ang utang na loob kay Duday ng 'Daddy Di Do Du'