GMA Logo Christian Vasquez, Sunshine Cruz, Lexi Gonzales
What's on TV

Pagkadiskubre ni Dominic na anak niya si Celine sa 'Underage,' panalo sa TV ratings

By Dianne Mariano
Published March 31, 2023 9:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Christian Vasquez, Sunshine Cruz, Lexi Gonzales


Sa nakaraang episode ng 'Underage,' inamin na ni Lena (Sunshine Cruz) ang tunay na ugnayan nina Celine (Lexi Gonzales) at Dominic (Christian Vasquez).

Talaga namang sinubaybayan ng mga manonood ang isang malaking rebelasyon sa coming-of-age drama series na Underage, na pinagbibidahan nina Sparkle stars Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes, na ipinalabas ng March 29.

Sa katunayan, nakapagtala ng 7.1 percent ratings ang 53rd episode ng Underage, ayon sa National Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings.

Sa nasabing episode, matatandaan na naka-recover na si Celine sa kaniyang near-death experience matapos masaksak ng kasamahan niya sa juvenile center na si Meggy, na utos ng mga tauhan ni Velda sa center.

Dumami naman ang mga katanungan sa isipan ni Dominic matapos malaman na si Lena, ang kaniyang dating kasintahan, ay ang ina ni Celine.

Inamin na rin ni Lena ang totoong ugnayan ng kaniyang dating nobyo na si Dominic at ang panganay na anak niyang si Celine. Sa muling paghaharap nina Lena at Dominic, sinabi ng una sa kaniyang dating kasintahan na si Celine ay ang anak nito.

Balikan ang nakaraang episode ng Underage sa video na ito.

Abangan ang mga tumitinding tagpo sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime at sa Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

Mapapanood din ang Underage via Kapuso stream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.