
Tumitindi ang mga tagpo sa family drama series na Hating Kapatid, na pinagbibidahan ng Legaspi family na sina Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Mavy Legaspi, at Cassy Legaspi.
Hindi lamang sa telebisyon tinutukan ng mga manonood ang naturang serye kundi maging online. Sa Facebook post ng GMA Drama, umani ng milyon-milyong views ang clips ng mga eksena mula sa 95th episode ng serye, kung saan nahuli ni Roselle (Carmina Villarroel) ang pagtataksil sa kanya ng asawang si Darius (Leandro Baldemor), online.
Bukod dito, ipinasilip rin ang behind the scenes video ng pagkakahuli ni Roselle sa panloloko sa kanya ni Darius at tila naging samurai pa ang una dahil hinabol niya ang huli habang may hawak na espada.
Patuloy na subaybayan ang Hating Kapatid tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
Related content: 'Hating Kapatid' stars grace the GMA Gala 2025 in their stylish looks