
Pinag-usapan sa social media ang litaw na kagandahan ng bride na si Carla Abellana sa kanilang kasal ng kanyang non-showbiz fiance na si Dr. Reginald Santos noong December 27.
Sa Instagram ng content creator na si Mrs. Gipit Content, ipinasilip ang eleganteng wedding gown ng aktres.
Makikitang glowing si Carla sa kanyang bridal gown mula sa Spanish fashion house na Rosa Clará na may square neckline at A-line na palda. Mas naging buo ang kanyang wedding look sa kanyang sheer veil na may pinong floral na detalye na nagdagdag ng modernong disenyo sa kanyang gown.
Maraming netizens ang nahumaling sa ganda ni Carla, lalo na't inihinalintulad nila ang aktres kay “Mama Mary.”
Tingnan dito ang ilang reaksyon ng netizens sa wedding look ni Carla:
Inanunsyo ni Carla ang kanyang engagement kay Reginald sa Instagram nang mag-post siya ng larawan ng singsing sa kanyang kamay. Kinumpirma niya naman ang kanyang engagement sa Fast Talk With Boy Abunda.
RELATED GALLERY: Carla Abellana's simple wedding dress