GMA Logo Gabbi Garcia, Kylie Padilla, Vin Abrenica
PHOTO COURTESY: GMA Drama
What's on TV

Pagkamatay ni Crystal sa 'Mga Lihim Ni Urduja,' pinag-usapan online!

By Dianne Mariano
Published April 14, 2023 6:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Sager earns praise for hosting skills in MMFF Gabi ng Parangal
OVP staff hold breakfast gathering in Manaoag
Remembering icons and notable personalities we lost in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Gabbi Garcia, Kylie Padilla, Vin Abrenica


Mga Kapuso, ano ang inyong naramdaman sa pagkamatay ng karakter ni Sparkle actress Gabbi Garcia na si Crystal sa 'Mga Lihim Ni Urduja?'

Pinag-usapan online ang pagkamatay ng karakter ni Sparkle actress Gabbi Garcia na si Crystal Posadas sa mythical primetime mega serye na Mga Lihim Ni Urduja.

Sa nakaraang episodes, matatandaang nalagay sa peligro ang buhay ni Crystal (Gabbi Garcia) matapos siyang matamaan ng ligaw na bala ng kanyang kapatid na si Onyx (Vin Abrenica).

Dahil sa kanilang paglabag sa utos, hindi naiwasan nina Maestro Marius (Zoren Legaspi) at Astrid (Billie Hankenson) na sisihin si Gemma (Kylie Padilla) kung bakit naging kritikal ang kalagayan ni Crystal.

Samantala, pumunta naman si Onyx sa ospital upang maging blood donor ni Crystal. Sa kasamaang palad, tuluyan pa ring binawian ng buhay si Crystal.

Marami sa mga manonood ang naging emosyonal dahil sa pagkamatay ng karakter ni Gabbi at pinuri rin ng netizens ang Kapuso star sa kanyang pagganap bilang Crystal.


PHOTO COURTESY: GMA Drama

Ngayong pumanaw na si Crystal, ano kaya ang mangyayari sa misyon ng mga itinakda?

Tutukan ang mga tumitinding tagpo sa Mga Lihim Ni Urduja, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad at 9:40 p.m. sa GTV.

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES SA SET NG MGA LIHIM NI URDUJA SA GALLERY NA ITO: