
Sa episode 67 ng Kambal, Karibal, natunton ni Crisel (Pauline Mendoza/Kyline Alcantara) kung saan dinala nina Crisan (Bianca Umali), Diego (Miguel Tamfelix), at Makoy (Jeric Gonzales) si Lola Anicia (Gloria Romero).
Natakot ang matanda kay Crisel kaya nakiusap siya kina Crisan na huwag siyang ibalik sa kanilang bahay. Maging si Diego ay hindi na rin pinaniniwalaan ang mapanlinlang na dalaga.
Nagkasakitan ang magkakambal na ikinaatake sa puso ni Lola Anicia.
Sino kaya ang may pananagutan sa pagkamatay ng huli?
Balikan ang eksenang 'yan dito:
Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.
Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.
Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.