
Pinag-uusapan pa rin online ang funny at “cost efficient” na costume ng content creator na si Sassa Gurl sa “The Sparkle Spell” event ng GMA-7 na idinaos sa XYLO sa BGC nitong weekend.
Nagmarka kasi ang live seller OOTD ni Sassa Gurl o Felix Petate in real life sa first Halloween party ng Sparkle GMA Artist Center.
Certified viral din sa TikTok ang announcement ng pagkapanalo ni Sassa ng special award sa event. Nanalo ang social media star bilang Female TikTok Crowd Favorite.
Sa video na inupload ni Sherman Gamboa, naghiyawan ang mga tao sa XYLO nang tawagin ang pangalan ni Sassa Gurl bilang winner.
Umani na ang TikTok video NG mahigit 1.9 million views at nakapagtala ng 213,000 likes as of this writing.
@shermangamboa Yung hindi nag effort, nagka - AWARD!!! I love you @Sassa Gurl!!! #GMA #GMAKapuso #kapusonetwork #entertainmentph #sassagurl #fyp #foryou #foryoupage #TheSparkleSpell #shermangamboa ♬ original sound - Sherman Gamboa
Samantala sa Instagram page ni Sassa Gurl, ipinasilip niya ang ilang highlights ng pagrampa niya sa Sparkle Spell at pinaalalahan ang kaniyang fans na suportahan ang mga small scale businesses tulad ng online sellers.
Aniya, “Red carpet eksena ng isang online seller. Haha. Thank you for inviting me @sparklegmaartistcenter
“Anyway don't forget to support small scale business. lalo na ang mga online sellers na nag start nitong pandemic.”
TINGNAN ANG ILAN SA PINAG-USAPANG COSTUMES SA THE SPARKLE SPELL SA GALLERIES BELOW: