GMA Logo Pirena and Flamarra reunion in Sanggre
What's on TV

Pagkikita muli nina Sang'gre Pirena at Flamarra, pinusuan online

By Kristine Kang
Published September 12, 2025 5:18 PM PHT
Updated September 16, 2025 6:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jamal Murray hits 10 3-pointers as Nuggets handle Jazz
These spots are perfect for Easter
Church clarifies Holy Week beliefs, urges focus on faith

Article Inside Page


Showbiz News

Pirena and Flamarra reunion in Sanggre


Masayang magkasama muli ang mag-inang Sang'gre Pirena at Flamarra sa Encantadia!

Pagkatapos ng ilang araw ng pagkawalay at pananabik, muling nagkasama sina Pirena (Glaiza De Castro) at ang kanyang mahal na anak na si Sang'gre Flamarra (Faith Da Silva)!

Sa mga nagdaang episode ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, ipinakita ang emosyonal na muling pagkikita nina Flamarra at Adamus (Kelvin Miranda) sa kanilang Ada o Ashti. Dito na rin nakilala ng mga taga-Encantadia ang anak ni Danaya na si Terra (Bianca Umali).

Sa Instagram, masayang ibinahagi nina Glaiza at Faith ang kanilang mga larawan sa superserye bilang selebrasyon sa mag-inang Sang'gre.

Tuwang-tuwa ang fans sa mga larawan ng dalawa na kapansin-pansin ang tapang at ganda ng kanilang karakter.

“Pirena x Flamarra,” simpleng caption ni Glaiza.

Kaagad kinagiliwan ng Encantadiks ang mga larawan nina Pirena at Flamarra, kasama na ang kanilang co-star na si Luis Hontiveros.

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux)

Hindi lang ang mga larawan ang pinag-usapan online. Maging ang mismong eksena na nagsama ang apat na Sang'gre laban ang mga kawal ng Mine-a-ve. Marami ang naantig sa muling pagkikita nina Pirena at Flamarra na sinabayan pa ng matitinding fight scenes.

Subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.

Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Samantala, balikan ang mga naging reaksyon ng fans sa pagdating ni Terra sa Encantadia, dito: