What's on TV

Pagkikita nina Hope at Diane sa 'Unica Hija,' mangyayari na ba?

By Jansen Ramos
Published December 23, 2022 1:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP arrests Atong Ang co-accused in missing sabungeros case in Batangas
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

kate valdez and katrina halili in unica hija


Bukod sa mga rebelasyon ni Hope tungkol sa mga masasamang ginawa sa kanya ni Lorna, mabubunyag na rin ba ang itinatagong sikreto ni Carnation? Abangan 'yan sa 'Unica Hija' ngayong Biyernes, December 23.

Patindi nang patindi ang mga eksena sa inaabangang drama sa hapon, ang Unica Hija.

Sa episode ng high-rating GMA series ngayong Biyernes, December 23, isisiwalat na ni Hope (Kate Valdez) sa kanyang tatay-tatayang si Jhong (Biboy Ramirez) ang mga masasamang ginawa ni Lorna (Maricar De Mesa) sa kanya.

Ito ay matapos malagay sa panganib ang buhay ni Jhong nang iligtas niya ang anak-anakang si Hope sa sumubok kumidnap dito na miyembro pala ng isang sex trafficking syndicate.

Ni-recruit kasi si Hope ni Lorna sa isang babaeng akala niya ay katulong ang ibibigay na trabaho sa kanya, pero nakatakas ang dalaga mula rito kaya pinaghahanap siya ng tauhan ng recruiter.

Samantala, bibisitahin ni Diane (Katrina Halili) si Jhong sa ospital habang nagpapagaling ito.

Dito na ba magtatagpo si Diane at si Hope, ang clone ng kanyang yumaong anak na si Bianca?

At bukod sa mga rebelasyon ni Hope tungkol kay Lorna, mabunyag na rin ba ang itinatagong sikreto ni Carnation (Faith Da Silva)?

'Yan ang dapat abangan sa Unica Hija, weekdays, 3:25 p.m., pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap sa GMA Afternoon Prime.

Ang livestreaming ng serye ay available sa GMANetwork.com at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Kung ma-miss mo man ito, maaaring i-stream ang full episodes at episodic highlights ng Unica Hija at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

TINGNAN ANG MASAYANG SET NG 'UNICA HIJA' SA GALLERY NA ITO: