
Matapos masilayan ang pagkikita nina Joyce (Klea Pineda) at Victoria (Lauren Young) sa Stories From The Heart: Never Say Goodbye, iba't ibang mga reaksyon at hugot ang ibinahagi ng netizens sa official Facebook page ng GMA Drama.
Bilang pagbabalik-tanaw noong nakaraang linggo, hindi makapaniwala si Victoria sa ginawa ng kanyang asawa na si Bruce (Jak Roberto) dahil nakita ng una na may koneksyon pa rin ang huli sa ex-girlfriend nito.
Sa paghaharap nina Victoria at Joyce, hindi naman napigilan ng una na magalit sa dating minamahal ng kanyang asawa dahil hinayaan nito na bumalik si Bruce sa buhay niya kahit alam niyang kasal na ito.
Ilang netizens naman ang nagbahagi ng kani-kanilang emosyon tungkol sa sakit na nararamdaman sa matinding eksenang ito.
“OMG!! That feeling (broken-hearted emoji),” comment ni Shammah Yecyec.
Photo courtesy: GMA Drama (Facebook)
“Napaiyak ako dito,” pagbahagi naman ni Lydia Laurio.
Photo courtesy: GMA Drama (Facebook)
Gano'n din naman naging reaksyon ni Jason Miranda at sinabi, “I swear naiyak talaga ako sa palabas na to.. Nadala ako :(.”
Photo courtesy: GMA Drama (Facebook)
Ramdam na ramdam din ng ilang sa netizens ang sakit na sinapit ni Victoria (Lauren Young), ang legal na asawa ni Bruce.
Photo courtesy: GMA Drama (Facebook)
Ang ibang manonood ay nagbahagi rin nga kanilang mga opinyon tungkol sa sitwasyon nina Joyce (Klea Pineda) at Bruce (Jak Roberto).
Photo courtesy: GMA Drama (Facebook)
Mayroon ding hugot ang ilang netizens at nilagay ang kanilang mga sarili sa sitwasyon ng legal na asawa.
Photo courtesy: GMA Drama (Facebook)
Huwag palampasin ang huling dalawang linggo ng Stories From The Heart: Never Say Goodbye tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Las Hermanas.
Samantala, silipin ang behind-the-scenes sa lock-in taping ng Team Never Say Goodbye sa gallery na ito: