
Wagi sa ratings ang recent episode ng afternoon drama series na Return To Paradise dahil sa mga maiinit at matitinding tagpo nito.
Napanood sa ika-48 na episode ng nasabing serye ang pagkikita nina Rina (Teresa Loyzaga) at Mrs. Madrigal na si Amanda (Eula Valdes).
Matatandaan na nagsimula na si Amanda sa kanyang paghihiganti kay Rina at kabilang sa plano niya ay ang pag-imbita sa huli sa isang house-warming party.
Sa nasabing event, nangyari ang muling paghaharap nina Rina at Amanda na ngayon ay si Mrs. Madrigal. Labis na nagulat si Rina dahil hindi niya inaasahan na ang kanyang makakaharap ay ang pinakamatindi niyang kaaway.
Nakakuha naman ng 8.2 percent ratings ang naturang episode ng Return To Paradise, ayon sa NUTAM People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
PHOTO COURTESY: GMA Drama
Ano kaya ang mga mangyayari sa pagitan nina Rina at Amanda? Huwag palampasin ang Return To Paradise tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO.