GMA Logo Encantadia Chronicles Sanggre
What's on TV

Pagkikita nina Terra, Adamus, at Flamarra, pinusuan ng 'Sang'gre' viewers; umarangkada sa ratings

By Aimee Anoc
Published September 11, 2025 2:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Sanggre


Naitala ng 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' ang pinakamataas nitong ratings na 14.1% noong Miyerkules sa unang pagkikita nina Terra, Adamus, at Flamarra.

Talaga namang marami ang nag-abang sa unang pagkikita ng magpipinsang Sang'gre na sina Terra (Bianca Umali), Adamus (Kelvin Miranda), at Flamarra (Faith Da Silva) sa Encantadia Chronicles: Sang'gre noong Miyerkules, September 10.

Patunay rito ang naitalang pinakamataas na ratings ng Sang'gre para sa ika-63 episode nito na 14.1% base sa preliminary/overnight data ng NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines, mas mataas sa katapat nitong programa.

Marami ang natuwa na sa wakas ay nagkasama na sina Terra, Adamus, at Flamarra, maging ang muling pagkikita ng mag-inang Pirena (Glaiza De Castro) at Flamarra.

May ilan namang naging emosyonal sa hugot ni Mitena (Rhian Ramos) matapos ang muling paghaharap nila ni Pirena, kung saan sumang-ayon ang una na kapangyarihan lamang ang mayroon siya na magpapatunay sa kanyang amang si Memen, sa mga Sang'gre, at sa lahat ng Encantado na hindi siya isang basura na itinatapon lamang.

Marami rin ang humanga sa fight scenes na ipinamalas kagabi nina Terra, Adamus, Flamarra, at Sang'gre Pirena laban sa mga Mine-a-ve.

Patuloy na subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

SAMANTALA, SILIPIN ANG ILAN PANG AABANGANG MGA EKSENA SA ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE NGAYONG LINGGO RITO: