GMA Logo encantadia chronicles sanggre, Bianca Umali and Rhian Ramos
What's on TV

Pagkikita nina Terra at Mitena, inaabangan na ng 'Sang'gre' viewers

By Aimee Anoc
Published September 22, 2025 2:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP arrests Atong Ang co-accused in missing sabungeros case in Batangas
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

encantadia chronicles sanggre, Bianca Umali and Rhian Ramos


Abangan ang unang pagkikita nina Terra at Mitena ngayong Lunes sa 'Sang'gre.'

Nag-aabang na ang Sang'gre viewers sa mangyayari sa unang pagkikita nina Terra (Bianca Umali) at Mitena (Rhian Ramos).

Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, parehong maliligaw sa kagubatan ng Encantadia sina Terra at Mitena.

Matatandaan na nabagsakan ng puno si Terra nang magkaroon ng malakas na lindol Encantadia matapos na paslangin ni Zaur (Gabby Eigenmann) ang mga Kambal-Diwa ng mga Brilyante ng Hangin, Tubig, at Lupa.

Habang si Mitena naman ay naitakas ng kanyang mga tapat na alipin mula sa kaharian ng Lireo.

Sa pagkaligaw sa kagubatan, magkukrus ang landas nina Terra at Mitena. Ipinasilip din ang pakikipagkilala ni Terra kay Mitena at ang pagbibigay nito ng pagkain sa huli.

Ano kaya ang mangyayari sa unang pagkikita nina Terra at Mitena? May pag-asa kayang maging magkaibigan ang dalawa?

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: