
Inabangan ng fans ang paglabas ng 'Astig Anak-tion Star ng Baguio' na si Anton Vinzon sa flagship sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento nitong Sabado, March 14.
Special guest ang former Pinoy Big Brother housemate sa sikat na Kapuso sitcom, kung saan gumanap siya bilang Carl na tila nabighani sa anak ni Pepito (Michael V.) na si Clarissa (Angel Satsumi).
Pinag-usapan sa X ang appearance ni Anton sa multi-awarded comedy program dahil naging top 2 trending topic ito ng naturang social media site.
Balikan ang nakakakilig na pagkikita nina Clarissa at Carl sa episode ng Pepito Manaloto sa video below!
RELATED CONTENT: Meet Anton Vinzon, the boy next door who steals hearts