GMA Logo Kyline Alcanara and Roence Santos in Kambal Karibal
What's on TV

Paglason ni Black Lady sa isipan ni Crisel sa 'Kambal, Karibal'

Published May 20, 2020 7:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cambodian parliament passes landmark cybercrime law after scam center scrutiny
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Kyline Alcanara and Roence Santos in Kambal Karibal


Mas tumindi ang galit ni Crisel kay Crisan dahil sa pambubuyo ni Black Lady.

Sa episode 43 ng Kambal, Karibal, patuloy ang paglason ni Black Lady (Roence Santos) sa isipan ni Crisel (Pauline Mendoza) para tuluyang masira ang samahan nila ng kanyang kakambal na si Crisan (Bianca Umali).

Pinayuhan ng huli ang kayang kapatid na tapusin na ang pagpapanggap gamit ang katawan ni Cheska (Kyline Alcantara) ngunit hindi ito nakinig at tumindi pa ang galit.

Samantala, nagbigay ng babala ang tiyahin ni Geraldine (Carmina Villarroel) na may estrangherong namamalagi sa kanilang bahay. Gayunpaman, hindi ito pinaniwalaan ni Geraldine.

Balikan ang mga eksenang 'yan dito:

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.


Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.