What's on TV

Pagluluksa ng Lireo sa pagkamatay nina Lira at Mira | Ep. 182

By Felix Ilaya
Published December 2, 2020 11:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Tech innovator Dado Banatao passes away at 79
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Ep 182


Balikan ang mga nangyari sa rerun ng 'Encantadia' nitong Martes, December 1.

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Telebabad.

Sa December 1 (Martes) episode nito, pinabagsak ng mga diwata ang dambuhalang halimaw na pinadala ni Avria (Eula Valdez) sa Lireo upang maghasik ng lagim. Ngunit habang abala sila sa dito, hindi nila alam na nasa panganib ang buhay ng mga Bagong Tagapangalaga na iniisa-isa ng mga Etherian.

Nang malaman nila ang mga naganap sa isla ni Cassiopea (Solenn Heussaff), matinding pagluluksa ang babalot sa Lireo sa pagkamatay nina Lira (Mikee Quintos), Mira (Kate Valdez), Gilas (Jake Vargas), at Wahid (Andre Paras).

Hindi mapipigilan ni Pirena (Glaiza De Castro) ang kaniyang emosyon nang makita niya ang katawan ng kaniyang anak na si Mira na nakaratay at walang buhay.

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Telebabad, pagkatapos ng 24 Oras.