
Sa mahabang panahon, pinatunayan nina Conrado Yap at Linda Yap na kahit kailan ay hindi magiging hadlang ang kulay ng balat at kani-kanilang mga tradisyon sa kanilang pagmamahalan.
Nagkakilala na noong mga bata pa sina Conrado, isang Chinese, at Linda, isang aeta, nang mamasukan si Linda bilang kasambahay sa kanilang barangay captain.
Nang lumaki na sila, nagtapat si Conrado ng kanyang nararamdaman kay Linda. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit ayaw siyang sagutin ni Linda kahit na may gusto rin ito sa kanya.
Kinalaunan, naging magkarelasyon sina Conrado at Linda kahit na marami silang pinagkaiba at marami ang hindi suporta sa kanilang pagmamahalan.
Maipaglaban kaya nila ang kanilang pagmamahalan kahit na magkaibigan ang kanilang mga tradisyon?
Binigyang buhay ni Mark Herras si Conrado samantalang si Kris Bernal naman ang gumanap bilang Linda.
Muling panoorin ang kuwentong pagmamahalan nina Conrado at Linda Yap sa 'Wagas,' ngayong Linggo, December 27, pagkatapos ng All-Out Sundays.