What's on TV

Pagpapahalaga sa kalikasan, mahalagang mensahe ng 'Lolong'

By Marah Ruiz
Published July 1, 2022 10:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'One Battle After Another' leads Hollywood's Golden Globe nominations
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Lolong


Ayon kay Arra San Agustin, may ilang mahahalagang mensahe ang 'Lolong,' kabilang na ang pagpapahalaga sa kalikasan.

Ilang mahahalagang mensahe ang hatid ng upcoming na dambuhalang adventure-serye sa primetime na Lolong.

Ayon 'yan sa isa sa lead stars nitong si Arra San Agustin.

"Pagpapahalaga sa kalikasan, that's number one, pagpapahalaga sa mga hayop katulad ng mga buwaya, may konting politics din so panoorin na lang po ninyo kung ano po 'yun at saka siyempre, pagmamahal sa pamilya--lahat 'yun ita-tackle ng show na ito," pahayag ni Arra.

Pero bukod sa mga aral na mapupulot sa serye, nariyan din ang kaabang-abang na aksiyon, romance at drama na siguradong kagigiliwan ng viewers.

"Adventure series siya so bago talaga siya sa mata," paglalarawan ni Arra tungkol sa show.

Very honored daw si Arra na makatrabaho ang ilang beteranong mga aktor tulad nina Christopher de Leon at Jean Garcia sa serye.

"Hindi tumitigil 'yung mga bago na pinapakita nila. Ang galing! Ang galing nila, as in mind blown talaga kami. Si Tito Bo, lagi siyang in character," lahad ng aktres.

Sa Lolong, gumaganap si Arra bilang misteryosang travel vlogger na si Bella.

Mapapadpad siya sa Tumahan at makikilila si Lolong, karakter naman ni Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid.

Ang Lolong ay kuwento ng pangkaraniwang magniniyog na si Lolong, na matutuklasan ang 'di pangkaraniwang kakayanan niyang makipag-usap sa dambuhalang buwaya na si Dakila.

Huwag palampasin ang Lolong, simula ngayong July 4, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad!

Samantala, silipin ang ilang nakakamanghang trivia tungkol sa serye dito: