GMA Logo Maricar De Mesa and Kyline Alcantara
What's on TV

Pagpapalayas ni Valerie kay Crisan sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos
Published August 18, 2020 11:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu landslide death toll at 32
Rabiya Mateo shares mental health diagnosis
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills

Article Inside Page


Showbiz News

Maricar De Mesa and Kyline Alcantara


Kasabay ng pagpapalayas ni Valerie kay Crisan, naaksidente naman ang mga magulang ng dalaga na sina Geraldine at Allan at nag-aagaw buhay.

Sa episode 108 ng Kambal, Karibal, sapilitang pinalayas ni Valerie (Maricar De Mesa) si Crisan (Bianca Umali) sa kanyang tahanan para mapigilan ang paglapit ng dalaga sa anak ng una na si Darren (Jake Vargas).

Samantala, nasangkot sa isang malagim na aksidente sina Geraldine (Carmina Villarroel) at Allan (Alfred Vargas) nang mawalan ng preno ang sasakyang lulan nila.

Carmina Villarroel as Geraldine in Kambal Karibal

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.