GMA Logo Rafael Rosell, Widows War
What's on TV

Pagpapasilip sa mukha ni Paco sa 'Widows' War,' pinag-usapan

By EJ Chua
Published September 16, 2024 6:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Rafael Rosell, Widows War


May kanya-kanyang theory ang viewers tungkol sa karakter ni Rafael Rosell na si Paco Palacios Widows' War!

Muling napanood si Rafael Rosell sa hit murder mystery drama na Widows' War.

Matagal na hindi nakita ng viewers si Rafael dahil ang kanyang karakter na si Paco unang namatay sa loob ng Palacios' Estate.

Widows' War: Bea Alonzo at Rafael Rosell's sweet scenes as Sam and Paco

Sa episode na ipinalabas noong Biyernes, September 13, ipinasilip sa serye ang mukha ni Paco.

Labis na ikinagulat ng lahat na ang drinking buddy pala ni Aurora Palacios (Jean Garcia) ay ang kanya mismong anak na si Paco.

Kasunod nito, naging palaisipan na sa mga manonood kung buhay nga ba si Paco.

Ang ilan, naniniwalang buhay siya at siya umano ang killer.

Sabi naman ng ibang viewers, posible umanong imahinasyon lang ni Aurora ang lahat ng oras na kausap niya ang kanyang anak sa loob ng secret room.

Narito ang ilang reaksyon ng viewers nung makita ulit nila ang mukha ni Paco sa serye:

Ano kaya ang katotohanan?

Abangan ang rebelasyon tungkol sa drinking buddy ni Aurora!

Huwag palampasin ang susunod pang intense na mga eksena sa Widows' War.

Mapapanood ang pinag-uusapang serye tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.