
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.
Sa September 22 (Martes) episode nito, nilapitan na sa wakas ni Sang'gre Danaya (Sanya Lopez) si Sang'gre Alena (Gabbi Garcia) upang taos-pusong humingi ng tawad para sa aksidenteng pagpaslang niya sa anak nitong si Kahlil (Avery Paraiso).
Ngayong alam ni Alena na payapang namumuhay sa Devas si Kahlil, mas magaan niyang natanggap ang pagkawala ng kaniyang anak. Ito rin ang magiging dahilan kaya niya mapapatawad si Danaya dahil sa nagawa nito.
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.