
Sa episode 85 ng Kambal, Karibal, muling nanumbalik ang pagmamahalan ng kambal na sina Crisan (Bianca Umali) at Crisel (Pauline Mendoza) sa oras ng kagipitan at panganib.
Inutusan ni Raymond (Marvin Agustin) si Geraldine (Carmina Villarroel) na pumunta sa beach house para mailigtas ang kanyang mga anak, ngunit nagbigay siya ng isang kondisyon: bawal itong magsama ng kahit sino, lalo na pulis.
Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.
Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.
Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.