What's on TV

Pagpapawalang-sala kay Crisan sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos
Published August 13, 2020 12:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saudi King Salman leaves hospital after medical tests
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Kyline Alcantara and Miguel Tanfelix in Kambal Karibal


Bagamat nalinis ang pangalan, hindi pa rin nawala ang galit ni Diego kay Crisan sa pag-aakalang ito ay si Cheska.

Sa Episode 105 ng Kambal, Karibal, pinatunayan ni Vincent (Rafael Siguion-Reyna) na walang sala si Crisan (Bianca Umali), na nasa katawan ni Cheska (Kyline Alcanatara), dahil si Raymond (Marvin Agustin) ang tunay na pumatay kay Emmanuel (Christopher De Leon).

Bagamat nalinis ang pangalan, hindi pa rin nawala ang galit ni Diego (Miguel Tanfelix) kay Crisan sa pag-aakalang ito ay si Cheska.

Sa oras ng kagipitan, buti na lang ay nasasandalan ni Crisan si Darren (Jake Vargas) kahit hindi sang-ayon ang ina nitong si Valerie (Maricar De Mesa) sa pagtulong sa dalaga.

Jake Vargas and Kyline Alcantara in Kambal Karibal

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.