
Isang bagong karakter ang dumating sa 2024 murder mystery drama na Widows' War nitong Lunes, September 9.
Labis na natuwa ang viewers sa pagdating ni Vaness del Moral sa pinag-uusapang serye sa GMA Prime. Si Vaness ay napapanood dito bilang si Hillary Suarez, ang kanya ring karakter sa 2022 murder mystery drama na Widows' Web.
Natunghayan ng viewers sa recent episode ng Widows' War ang pagkikita nina Hillary at Aurora, ang karakter ni Jean Garcia.
Suot ang kanyang stylish outfit, nakipagchikahan si Hillary kay Aurora at may sinabi pa ang una tungkol sa apo umano ng huli.
Pinag-usapan ng viewers ang pagpasok ni Hillary sa serye at ang ilan sa kanila ay talaga namang natuwa rito.
Narito ang ilang reaksyon at komento ng viewers sa pagdating ni Hillary sa Widows' War:
Ano kaya ang mga rebelasyon na dala ni Hillary sa mga Palacios?
Patuloy na subaybayan ang paganda nang pagandang istorya ng murder mystery drama na Widows' War.
Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.