
Maraming fans ang kinilig sa finale episode ng You're My Favorite Song noong Biyernes, July 31.
Bago pumunta sa Amerika para sa pagpapagamot ni Lolo Xavi (Boboy Garrovillo), pare-parehong binigyan ni Angel (Caprice Cayetano) ng sulat sina Zion (Marco Masa), Miguel (Heath Jornales), at Calix (Clifford) kung saan nakalagay ang sagot niya sa pagtatapat ng tatlo.
Sa huli, si Miguel ang pinili ni Angel. Bago umalis papuntang ibang bansa ay tinugtog ni Miguel ang sweet na kantang isinulat niya para kay Angel.
Samantala, ipinakita ng You're My Favorite Song ang reaction nina Caprice, Heath, Marco, at Clifford habang pinapanood ang finale episode ng kanilang serye, kung saan makikita ang kanilang saya at sabay-sabay na nagpalakpakan.
Panoorin ang finale episode ng You're My Favorite Song sa video na ito:
Related content: Heath Jornales at Caprice Cayetano, nagpakilig sa BTS photos ng Brighton Bay Ball sa 'You're My Favorite Song'