GMA Logo Encantadia Chronicles Sanggre Banak and Nakba
What's on TV

Pagpulot ni Nakba sa mga Brilyante, kinaaliwan ng 'Sang'gre' viewers

By Aimee Anoc
Published September 19, 2025 2:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

15-anyos nga dalagita, napalgang patay | One Mindanao
Ombudsman, nagsampa ng kasong malversation at graft laban kay Bong Revilla at 6 na iba pa
Gabbi Garcia's photos from 2016 that prove she is a true it girl

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Sanggre Banak and Nakba


Hawak ngayon ni Nakba ang mga Brilyante ng Tubig, Hangin, at Lupa. Basahin ang ilang nakatutuwang reaksyon dito ng netizens.

Kinaaaliwan ngayon ng Sang'gre viewers ang cute na Adamyan na si Nakba, na siyang pumulot sa mga Brilyante.

Sa ika-69 episode ng Sang'gre na napanood noong Huwebes (September 18), pinaslang ni Zaur (Gabby Eigenmann) ang mga Kambal-Diwa na mga Brilyante na sina Agua (Elle Villanueva), Avilan (Radson Flores), at Sari-a (Lexi Gonzales) dahilan nang pagkawala rin ng kapangyarihan ng mga Brilyante at balanse sa Encantadia.

Sumunod nito ay nagkaroon ng lindol at nabagsakan si Zaur ng mga naglalaglagang debri sa kaharian ng Lireo dahilan para mabitawan niya ang Esperanto at mga Brilyante.

Bago umalis sa Lireo kasama sina Nunong Imaw at Banak ay pinulot ni Nakba ang nalaglag na mga Brilyante ng Hangin, Tubig, at Lupa.

Basahin ang ilan sa mga nakatutuwang komento rito ng netizens:


Samantala, ano na kaya ang mangyayari sa Encantadia at sa mga Brilyante ng Tubig, Hangin, at Lupa ngayong wala ang mga Kambal-Diwa nito?

Patuloy na tumutok sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

KILALANIN ANG MGA KAMBAL-DIWA NG MGA BRILYANTE RITO: