
Umani ng higit isang milyong views ang video na ini-upload ng GMA Network sa official You Tube channel nito.
Hindi malilimutan ang guesting ng Encantadia cast Wowowin noong July 18.
Dito ipinakilala ni Buboy Villar ang kanyang kasintahang si Angillyn Gorens kay Wowowin host Willie Revillame.
Dahil humanga si Willie sa pag-iibigan ng dalawa, sinorpresa niya ang mga ito ng first class tickets patungong Amerika. Pinangakuan pa sila ni Kuya Wil ng Hongkong trip kung saan sasagutin niya ang kanilang hotel at bibigyan pa ng pocket money.
Umani ng higit isang milyong views ang video na ini-upload ng GMA Network sa official You Tube channel nito.
Magkahalo naman ang naging reaksiyon ng ilang netizens, partikular sa maagang pagsasama nina Buboy at Angillyn. Sa kabila nito, marami naman ang pumuri sa pagiging mapagbigay ni Kuya Wil.
MORE ON BUBOY VILLAR:
Buboy Villar ikinuwento kung paano nag-propose sa American girlfriend
Pamilya ng American girlfriend ni Buboy Villar tutol sa kanilang pagsasama at planong pagpapakasal