What's on TV

Pagsagip ni Darren kay Crisan sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos
Published August 11, 2020 4:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spurs assert themselves, take down Thunder again in Christmas spotlight
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Jake Vargas and Kyline Alcantara a in Kambal Karibal


Naniniwala si Darren na hindi kayang gumawa ng krimen ni Crisan kaya hindi niya ito ibinigay sa mga pulis.

Sa episode 103 ng Kambal, Karibal, pinagtakpan nina Darren (Jake Vargas) at Valerie (Maricar De Mesa) si Crisan (Bianca Umali), na nasa katawan ni Cheska (Kyline Alcantara), sa mga pulis matapos itong hanapin sa kanilang bahay.

Naniniwala si Darren na hindi kayang gumawa ng krimen ni Crisan kaya prinoteksyunan niya ito.

Balak na ring umalis ni Crisan sa mansyon para hindi madamay sa gulo ang pamilya ni Darren, pero ang binata ang pumilit sa una na manatili sa mansyon para sa kanyang seguridad.

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.