
Kasalukuyang ipinapalabas ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Telebabad.
Sa May 20 (Miyerkules) episode nito, nagbunga na sa wakas ang mga masamang balak ni Pirena (Glaiza De Castro) dahil masasakop niya na sa wakas ang Lireo.
Samantala, kahit nasa mundo ng mga tao si Danaya (Sanya Lopez), mararamdaman niya ang kasalukuyang pagsugod ng mga Hathor sa Lireo. Hihingin niya ang tulong ng Encantado na si Enuo (Rafa Siguion-Reyna) upang makabalik sa Encantadia.
Muling balikan ang full-episode ng Encantadia. Watch it here:
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Telebabad, pagkatapos ng 24 Oras.