
Sa episode 80 ng Kambal, Karibal, matagumpay na nakasanib si Crisan (Bianca Umali) sa katawan ni Cheska (Kyline Alcanatara) sa tulong ni Nori (Chesca Salcedo).
Ito lamang ang nakitang solusyon ni Crisan para mabuhay muli matapos agawin ni Crisel (Pauline Mendoza) ang kanyang katawan.
Akala ng huli ay masosolo na niya ang pagmamahal ng kanyang inang si Geraldine (Carmina Villarroel) ngunit makikita sa kanyang mukha ang pagkadismaya nang malaman niyang nagkamalay na si Cheska.
Ano kaya ang gagawin ni Crisel kapag nadiskubre niyang si Crisan ang nakasanib sa katawan ni Cheska?
Balikan ang eksenang 'yan:
Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.
Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.
Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.