
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.
Sa August 20 (Huwebes) episode nito, pinagsanib nina Danaya (Sanya Lopez) at LilaSari (Diana Zubiri) ang kanilang hawak na Brilyante ng Lupa at Tubig upang matalo si Hagorn (John Arcilla).
Gamit ang kanilang pinagsamang lakas, tinulungan nila si Amihan (Kylie Padilla) labanan ang hari ng mga Hathor.
Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video sa itaas.
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.