
Sa episode 164 ng Kambal, Karibal, lalong lumalala ang pagseselos ni Crisel (Pauline Mendoza), na nasa katawan ni Cheska (Kyline Alcantara), kay Crisan (Bianca Umali) matapos magtapat si Diego (Miguel Tanfelix) ng pag-ibig sa huli.
Nadala ni Cheska hanggang sa eskwelahan ang kanyang galit at inggit sa kapatid kaya naman nagkapersonalan sila sa isang P.E. badminton game.
Panoorin ang mga eksena iyan sa video sa itaas. Kung hindi nag-load nang maayos, maaaring mapanood ang episode highlights DITO.
Ang muling pagpapalabas ng Kambal, Karibal ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.
Patuloy na subaybayan ang hit 2017-18 series Lunes hanggang Huwebes, pagkatapos ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa GMA Telebabad.
Samantala, maaaring mapanood ang aired full episodes ng Kambal, Karibal at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.
Ang Kambal, Karibal ay pinagbibidahan nina Bianca Umali, Pauline Mendoza, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.
Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Christopher De Leon, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gardo Versoza, at Ms. Gloria Romero.
Kabilang din sa supporting cast ng programa sina Jeric Gonzales, Chesca Salcedo, Rafa Siguion-Reyna, Eliza Pineda, Sheree, Miggs Cuaderno, at Raquel Monteza.