GMA Logo Bianca Umali with Miguel Tanfelix and Kyline Alcantara in Kambal Karibal
What's on TV

Pagsira ni Black Lady kina Crisan at Diego sa 'Kambal, Karibal'

Published November 9, 2020 7:16 PM PHT
Updated November 9, 2020 7:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: No Victor Wembanyama, but Spurs beat Clippers for 11th straight win
8 in 10 Filipinos choose domestic travel for Holy Week 2026
Man who complained of small pay steals P157K from store; arrested

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali with Miguel Tanfelix and Kyline Alcantara in Kambal Karibal


Walang kamalay-malay si Crisan na pinaglalaruan lamang siya ni Black Lady habang nasa katawan ito ni Diego.

Sa episode 167 ng Kambal, Karibal, nakuhang pag-awayin ni Black Lady (Roence Santos) sina Crisan (Bianca Umali) at Crisel (Pauline Mendoza) gamit ang katawan ni Diego (Miguel Tanfelix).

Parehong inaya ng masamang espiritu ang magkakambal sa isang date na nauwi sa isang eskandalo. Ito ay matapos makita ni Crisan na malambing sina Crisel, na nasa katawan ni Cheska (Kyline Alcantara), at Diego sa isa't isa habang nasa restaurant kaya pakiramdam ni Crisan ay trinaydor siya ng binata.

Panoorin ang mga eksena iyan sa video sa itaas. Kapag hindi ito naglo-load nang maayos, maaaring mapanood ang episode highlights DITO.

Ang muling pagpapalabas ng Kambal, Karibal ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017-18 series Lunes hanggang Huwebes, pagkatapos ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang aired full episodes ng Kambal, Karibal at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.

Ang Kambal, Karibal ay pinagbibidahan nina Bianca Umali, Pauline Mendoza, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.

Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Christopher De Leon, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gardo Versoza, at Ms. Gloria Romero.

Kabilang din sa supporting cast ng programa sina Jeric Gonzales, Chesca Salcedo, Rafa Siguion-Reyna, Eliza Pineda, Sheree, Miggs Cuaderno, at Raquel Monteza.