What's on TV

Pagsisisi ni Diego sa pagtulong kay Raymond sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos
Published September 14, 2020 5:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu landslide death toll at 32
Rabiya Mateo shares mental health diagnosis
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills

Article Inside Page


Showbiz News

Sheree Bautista and Miguel Tanfelix in Kambal Karibal


Ipinagtaggol ni Diego ang kanyang inang si Lilian mula kay Geraldine matapos sisihin ng huli ang una sa pagtatakip sa kasalanan ni Raymond.

Sa episode 127 ng Kambal, Karibal, laking pagsisisi ni Diego (Miguel Tanfelix) dahil hindi niya sukat-akalaing malilinlang siyang muli ni Raymond (Marvin Agustin) matapos itong tumakas.

Humingi ng tawad ang ina ni Diego na si Lilian (Sheree Bautista) kay Geraldine dahil sa pagtatakip nila sa kasalanan ni Raymond, ngunit hindi ito tinanggap ni Geraldine.

Ipinagtanggol naman ni Diego ang kanyang ina mula sa masasakit na salitang binitawan ni Geraldine.

Sheree and Miguel Tanfelix in Kambal Karibal

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.