
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.
Sa July 17 (Biyernes) episode nito, maririnig ni Amihan (Kylie Padilla) ang tinig ni Lira (Mikee Quintos) habang ito ay kumakanta. Ito ang magsisilbing gabay para kay Amihan upang matunton ang kinaroroonan ng kaniyang anak.
Upang makumbinsi ni Amihan si Lira na siya ang tunay niyang ina, gagamitin niya ang kapangyarihan ng Brilyante ng Hangin upang ipadama kay Lira ang kaniyang pagmamahal bilang isang ina.
Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video below:
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.