
Sa Episode 44 ng Kambal, Karibal, sinubukan ni Crisan (Bianca Umali) na kausapin ang kanyang boss na si Geraldine (Carmina Villarroel) tungkol sa katauhan ni Cheska (Kyline Alcantara).
Natigilan ang una matapos dumating ang kanyang kakambal na si Crisel, na nagpapanggap na si Cheska, na may dalang regalo at bulaklak para sa kinikilalang ina.
Abot-tenga ang ngiti ni Geraldine kaya naman minarapat na lang ni Crisan na itago ang sikreto ni Crisel dahil nakikita niyang masayang-masaya ang kanyang boss sa piling ng kanyang huwad na kapatid.
Balikan ang mga eksenang 'yan dito:
Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong COVID-19 quarantine period.
Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.
Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.