
Sa episode 126 ng Kambal, Karibal, labis ang galit na naramdaman ni Crisan (Bianca Umali) nang malaman niyang itinatago ni Diego (Miguel Tanfelix) ang taong nagtangkang pumatay sa kanyang amang si Allan (Alfred Vargas).
Ipinaliwanag ni Diego ang kanyang sarili kay Crisan ngunit tila hindi nito kayang tanggapin ang pagtatakip ng binata sa kasalanan ni Raymond.
Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.
Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.
Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.