
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.
Sa July 21 (Martes) episode nito, nagpadala si Alira Naswen (Julia Lee) sa selos na kaniyang nadarama sa namumuong relasyon nina Danaya (Sanya Lopez) at Aquil (Rocco Nacino).
Dahil dito, aanib siya sa mga Hathor at sasabihin kay Hagorn (John Arcilla) ang kinaroroonan ng kampo ng mga diwata.
Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video sa itaas.
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.