What's Hot

Pagtatapos ng ‘Spooky Nights Presents The Mommy Returns: Ang Mama Kong Mamaw’ ng GMA-7

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 21, 2020 6:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO orders SUV driver to explain viral reckless driving along NAIAX
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong Sabado, matutunghayan ng mga manonood ang pagtatapos ng 'Spooky Nights Presents The Mommy Returns: Ang Mama Kong Mamaw.'

Ngayong Sabado (August 27), matutunghayan ng mga manonood ang pagtatapos ng Spooky Nights Presents The Mommy Returns: Ang Mama Kong Mamaw. Ang kwentong ito ay pinangungunahan ni Bongbong, isang mama’s boy na ginagampanan ng Kapuso idol na si Dingdong Dantes.

stars

May panibagong pagkakataon sa pag-ibig si Bongbong ngayong tila bumalik na sa kabilang mundo ang kanyang Mommy Glo (Chanda Romero) na nagmumulto sa sinumang dalagang nililigawan niya.

Sa wakas, malaya nang magagawa ni Bongbong ang kanyang nais pagdating sa ”lovelife” na walang sagabal. Sa puntong ito, makikilala niya ang maganda at matapang na policewoman na si Mary Anne (Isabelle Daza) at paglaon ay mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa.

Sa takot na sasaktan at dodominahin lamang ni Mary Anne si Bongbong, nagdesisyon si Mommy Glo na muling magbalik bilang isang multo upang takutin ang policewoman hanggang iwanan nito ang kanyang unico hijo.

Mapaghihiwalay kaya ni Mommy Glo ang dalawa? Mapatunayan kaya ni Mary Anne na talagang mahal niya si Bongbong? Paano maipapaunawa ni Bongbong sa kanyang ina na kaya na niyang mabuhay mag-isa?

Panoorin ang matamis at nakakatuwang pagwawakas ng Spooky Nights Presents The Mommy Returns: Ang Mama Kong Mamaw sa Sabado (August 27) pagkatapos ng Manny Many Prizes. --Text courtesy of GMA Network