
Sa Episode 40 ng Kambal, Karibal rerun, nagsuspetsa na si Crisan (Bianca Umali) tungkol sa katauhan ni Cheska (Kyline Alcantara) matapos siyang imbitahan nito sa kanyang debut party.
Hindi inaasahan ni Crisan ang paanyaya ni Cheska dahil nagkaalitan sila noon.
Naging palaisipan tuloy sa una ang pagiging maamo nito kaya naman hinala niya na sumanib ang kanyang kakambal na si Crisel (Pauline Mendoza) sa katawan nito matapos ma-ospital at mawalan ng malay dahil sa pagkalunod.
Dahil dito, humingi ng tulong si Crisan sa kanyang kaibigang si Nori (Chesca Salcedo), na isang psychic.
Sinubukan nilang tawagin ang kaluluwa ni Crisel ngunit hinadlangan ito ni Black Lady (Roence Santos) at tinakot ang magkaibigan.
Balikan ang mga eksenang 'yan dito:
Muling ipinalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.
Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday sa GMANetwork.com at GMA Network app.