What's Hot

Pagtitiwala sa sariling kakayahan, mensahe ng kantang 'What?' ng SB19

By Dianara Alegre
Published April 2, 2021 12:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons motorcycle rider who went viral for video call while driving
LGU offices in Lambunao, Iloilo ransacked; cash, laptops stolen
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News

SB19 group


May inihahanda ring YouTube docu-series ang Filipino boy band na SB19.

Patok sa publiko ang bagong single ng five-member Filipino boy band na SB19 na may titulong “What?,” na ini-release noon March 9.

Patunay dito ang laging trending na official music video ng kanta na mayroong nang mahigit seven million views, tatlong linggo pa lamang mula nang i-release ito.

Nag-debut taong 2018, ang SB19 ay binubuo nina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin.

Isang post na ibinahagi ni SB19 Official (@officialsb19)

Sa report ng Saksi, layunin umano ng SB19 na ipamulat sa publiko sa pamamagitan ng “What?” na kahit anong mangyari, ay lagi silang magtiwala sa kanilang sariling kakayahan.

“Gusto po naming ipakita 'yung individuality ng bawat tao. Kahit sino ka pa man, maging proud ka sa sarili mo,” lahad ni Pablo.

Malalim din umano ang hugot ng awitin, na mababatid sa lyrics at music video nito.

“'Yung kanta po kasi may sarili tayong flag as a person,” ani Justin.

Dagdag pa ni Pablo, “Malakas tayong lahat kung maniniwala tayo sa sarili natin.”

SB19 What

officialsb19 (Instagram)

Ayon sa exclusive interview ng GMA News Digital, si Pablo ang sumulat ng “What?” habang si Justin naman ang Creative Director ng music video nito.

Nagpapasalamat din sina Ken, Josh at Stell sa full support ng kanilang fans, ang A'TIN, sa kanilang career.

Ayon pa sa grupo, marami pa silang ilalabas na kanta. May inihahanda rin umano silang YouTube docu-series.

Panoorin ang official music video ng “What?” sa video dito:

Silipin ang breathtaking photos ng SB19 sa gallery na ito: